Sunday, August 23, 2009

BALER-PINAGMULAN NG AMA NG WIKA...BALER BUENA VISTA!

BALER- ito ay isa sa apat na bayan ng lalawigan ng Quezon at ito rin ang nagisislbing sentro ng pulitika at ekonomiya ng lalawigan. Ngunit hindi lang iyon ang makakapagbibigay kahulugan sa bayan ng Baler bagkus mayroon din itong naiambag sa ating kasaysayan at lipunan. Marahil di natin lubos maisip at makita ang naging bahagi at ambag nito sa ating kasaysayan at higit sa lahat sa ating wikang Filipino.

Kung tatanungin natin ang maraming Pilipino ngayon kung ano at saan matatagpuan ang Baler, marahil ang maisasagot nila ay "ah, Baler? saan un? Di ba pelikula lang yun noong nakaraang taon?" o kaya naman ay "Alam ko un. Sa Quezon makikita yun." Makikita natin na ang Baler ay hindi lubusang kilala ng mga Pilipino ngunit lingid sa kanilang kaalaman na dito nagmula ang kinikilala nating ama ng Wikang Filipino o ng Wikang Pambansa.

Marami ng mga makasaysayang pangyayari ang naganap sa bayan ng Baler na tinuturing din na ilan sa makasaysayang yugto ng bansang Pilipinas. Sa katotohanan ang bayan ng Baler bago dumating ang mga Amerikano sa ating bansa ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng probinsya ng Nueve Ecija. Ngunit noong taong Hunyo 14, 1951, sa bisa ng Republic Act No. 648 ang Baler ay naging kapital ng Aurora na nasa lalawigan ng Quezon.


Tulad nga ng na unang impormasyon ang Baler ay ang pinagmulan na bayan ni Mauel L. Quezon-ang ama ng Wikang Pambansa. Noong Agosto 19, 1878 ang ating ama ng Wikang pambansa ay pinanganak sa Tayabas na ngayon ay tinatawag ng Aurora bilang pag-alaala sa kanyang ulirang asawa. Si Manuel L. Quezon ay tubong Baler. Baler ang bayang kanyang pinagmulan. Kahit isang maliit na bayan lamang ang Baler sa Aurora, Quezon ito ay may malaking parte sa pagbuo ng ating kasaysayan lalo na sa ating Wikang Pambansa- ang Wikang Filipino. Ipinararating nito na dito nagsimula ang Presidenteng nagsulong upang magkaroon ng Wikang Pambansa. Dahil dito Wikang Filipino mula Baler hanggang sa buong Pilipinas ang napiling tema para sa buwan ng Wika ngayong taon.

Si Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa. Marahil malimit na lamang ang batang Pilipinong tunay nakakakilala sa kanya. Kilala lang siya dahil tinuturo sa iskwelahan na siya ang Ama ng ating wika, pero sino nga ba siya? Masasabi kong isa siya sa pinakamagaling na pangulong namuno at nagpalaganap ng kapayapaan at kalayaan sa ating bansa. Kung wala siya baka hindi tayo magkaintindihan, kung hindi siya nagtatag ng isang wika na bibigkasin marahil ay nagsasalita tayo ngayon ng kung ano-anung lenggwahe. Nagsimulaimula sa isang munting bayan ng Baler, namuno sa buong Pilipinas at napalaganap ng wika ngayon ay nagagamit ng buong sambayanang Pilipino. Kaya naman tama lang na napili ang kanyang bayan upang maging tema ng ating buwan ng wika ngayong Agosto.




-GUMAMELA-